Magandang Umaga! oo tama ka, magandang umaga nga. Ngayon kasi ay umaga na, hindi pa ako natutulog at sadyang kailangan tumapos ng kanyang proyekto.
Ako ngayo'y mag-isa [lagi naman eh] gumagawa ng isang website ng isang organisasyon. Hindi ko alam kung maaari ko bang sabihin kung anong organisasyon ito at kung sino sino ang nasa loob nito. Noong panahon na humihingi kasi ako sa kanila ng ilang litrato ay agad sa aking sinabi na iyon na lamang munang nauna ang gamitin ko. Mayroon sana akong nais gawin na effect sa kanilang website. Gusto ko sanang maglagay ng isang slideshow na kung saan makikita ang mukha ng kung sino sinong taong miyembro nito. Anyway, wala akong magawa [nako, ang labo ko]. Hindi ko malaman kung sakit ito o ano man pero kanina inaya ako ng tatay kong maglinis ng bintana. Noong malapit ko na matapos yung mga bintana ng bahay bigla kong nasabi, "hayy katamad.." ngunit sa loob loob ko, sinasabi ng aking isip na.. "mas masarap magcomputer, maginternet, gumawa ng software kaysa gawin itong trabahong ito". Hindi ko lubos maisip, ano ba Joseph? loko loko ka na ba? puro ka nalang computer. Anyhow, yun lang. Tamad akong tao. sobra.
Kwento: ito ako ngayon, nagbblog [malamang] habang nakikipagchat kay Nikki, habang nanonood ng Up, habang nagiisip ng company name, habang gumagawa ng website. Oha? san ka pa?
Alam niyo, ang tamad tamad ko pero pag nasa tapat ako ng computer sadyang napakadami kong ginagawa at napaka busy ko. anyhow, ayun lang. Ano kayang magandang company name? Balak ko kasing magtayo ng webdesign firm dito, kasama ko yung iba kong mga kaibigan sa UST. Actually bagong friends ko sila turned out friends. Sana maging close pa nga kami eh. Nakilala ko lang sila nung Saturday dahil may event akong ginawa, kasama kasi ako sa Philippine Web Designers Organization, part ng membership nila eh yung pagorganize ng mini conference kaya ayun. Nakasama ko yung mga bata sa UST. :)
Ayun lang muna, wala na ako ma say e. nawala yung momentum
Wednesday, November 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment