Kanina, ako kasama nang aking mga magulang ay nagpunta ng Megamall upang doon mag simba. Sinet narin naming iyon upang ako’y makapagpatingin ng mata kay Tita Cecille [HS Classmate ni Mum]. Idagdag pa natin dito ang paghanap ko at ng aking Daddy ng damit.
Habang kami ay nagiikot bigla akong nakapagisip tungkol sa mga bagay bagay. Isa na rito ay ang pagtatanong sa aking sarili kung magkano ang kinikita ng mga bawat saleslady/man, janitor, guard at kung ano pang empleyado na matatagpuan sa isang mall. Bigla kong natanong, “kasya kaya ang kanila sinusweldo sa kanilang pamilya?”. Sabihin na natin, may asawa isang anak, gaano kaya tatagal ang sweldo ng isang empleyado? Sapat kaya ito sa kanila? Sapat kaya ito sa bawat minutong itinatayo nila doon at itinatrabaho nila? Marahil alam na natin ang kasagutan, mas nakakalamang na hindi. Sa taas ng pangunahing produkto ngayon eh hindi na natin masabing nakakakain pa sila tatlong beses sa isang araw at nakapagmamall pa sila at makabibili ng gusto nila rito. Naririnig ko nalang ang mga sabi sabi na mabuti pa noon nakakaraos ang mga Pilipino, buti pa noon kahit na ordinaryong manggagawa ka lang at construction worker eh kaya mo pang magpaaral sa isang pang pribadong eskwelahan ang iyong anak. Ngunit ngayon, wala na. Tanging naaalala ko ay noong ako’y nasa Don Bosco pa at mayroon pa kaming inhouse janitor doon pati guard. Naalala ko nagkakaroon ako ng mga kaklaseng scholar doon dahil sa kanilang Tatay o Nanay na guwardiya sa aming paaralan. Buti pa noon kaya, bakit ngayon sobrang pili nalang at kung hindi pa sa iilang NGO dito sa bayan ay tila wala na ang pangrap ni Juan.
Ito’y nagsisilbing tawag sa akin upang ako’y maglingkod sa kapwa ko. Para sa akin naiisip ko na ayoko na ako lang ang uunlad pag nagkataon, gusto ko kasabay ko ang katulad kong ordinary Pilipino sa aking pagunlad. Hindi ko man maipakita ito sa pagtakbo ko sa pang publikong pwesto kakayanin ko rin naman ito kahit ako’y simpleng mamayan ng bayang Pilipinas. Kung ako’y inyong tatanungin, ako’y nagiisip ng posibleng organisasyon upang makatulong sa mga nagsisikap na mamamayan. Isang cooperatiba o mas higit pa. Hindi ko ginagawa ito upang sa isang pangrangal katuald ni CNN Hero ngunit ito’y sariling kong kagustuhan upang makatulong. Ayoko nang makitang nangangamuhan ang karamihan ng ating kababayan. Ayoko nang makitang minamaltrato tayo ng mga taga ibang bayan. Gusto ko ay umunlad ang bawat maliliit upang pantayan ang mga nakakaangat na. Isang araw, ako’y gagawa ng paraan para ang kapwa ko’y matulungan.
Salamat.
No comments:
Post a Comment