Sunday, November 29, 2009

Isang mithiin

Kanina, ako kasama nang aking mga magulang ay nagpunta ng Megamall upang doon mag simba. Sinet narin naming iyon upang ako’y makapagpatingin ng mata kay Tita Cecille [HS Classmate ni Mum].  Idagdag pa natin dito ang paghanap ko at ng aking Daddy ng damit.
Habang kami ay nagiikot bigla akong nakapagisip tungkol sa mga bagay bagay. Isa na rito ay ang pagtatanong sa aking sarili kung magkano ang kinikita ng mga bawat saleslady/man, janitor, guard at kung ano pang empleyado na matatagpuan sa isang mall. Bigla kong natanong, “kasya kaya ang kanila sinusweldo sa kanilang pamilya?”. Sabihin na natin, may asawa isang anak, gaano kaya tatagal ang sweldo ng isang empleyado? Sapat kaya ito sa kanila? Sapat kaya ito sa bawat minutong itinatayo nila doon at itinatrabaho nila? Marahil alam na natin ang kasagutan, mas nakakalamang na hindi. Sa taas ng pangunahing produkto ngayon eh hindi na natin masabing nakakakain pa sila tatlong beses sa isang araw at nakapagmamall pa sila at makabibili ng gusto nila rito. Naririnig ko nalang ang mga sabi sabi na mabuti pa noon nakakaraos ang mga Pilipino, buti pa noon kahit na ordinaryong manggagawa ka lang at construction worker eh kaya mo pang magpaaral sa isang pang pribadong eskwelahan ang iyong anak. Ngunit ngayon, wala na. Tanging naaalala ko ay noong ako’y nasa Don Bosco pa at mayroon pa kaming inhouse janitor doon pati guard. Naalala ko nagkakaroon ako ng mga kaklaseng scholar doon dahil sa kanilang Tatay o Nanay na guwardiya sa aming paaralan. Buti pa noon kaya, bakit ngayon sobrang pili nalang at kung hindi pa sa iilang NGO dito sa bayan ay tila wala na ang pangrap ni Juan.
Ito’y nagsisilbing tawag sa akin upang ako’y maglingkod sa kapwa ko. Para sa akin naiisip ko na ayoko na ako lang ang uunlad pag nagkataon, gusto ko kasabay ko ang katulad kong ordinary Pilipino sa aking pagunlad. Hindi ko man maipakita ito sa pagtakbo ko sa pang publikong pwesto kakayanin ko rin naman ito kahit ako’y simpleng mamayan ng bayang Pilipinas. Kung ako’y inyong tatanungin, ako’y nagiisip ng posibleng organisasyon upang makatulong sa mga nagsisikap na mamamayan. Isang cooperatiba o mas higit pa. Hindi ko ginagawa ito upang sa isang pangrangal katuald ni CNN Hero ngunit ito’y sariling kong kagustuhan upang makatulong. Ayoko nang makitang nangangamuhan ang karamihan ng ating kababayan. Ayoko nang makitang minamaltrato tayo ng mga taga ibang bayan. Gusto ko ay umunlad ang bawat maliliit upang pantayan ang mga nakakaangat na. Isang araw, ako’y gagawa ng paraan para ang kapwa ko’y matulungan.

Salamat.

Monday, November 23, 2009

unang cheesy

Madami na rin akong quotes na binanggit, marami narin akong kakaibang linyang naiisip ngunit ngayon, simula ngayon idodokumento ko na ang bawat linyang aking sasambitin. Sa totoo lang, may iilan sa mga ito ay nakatago sa kung saan saang sulok ng internet, marahil sa liblib nito hindi ko narin alam kung saan saan ko sila inilagay.

"I'd rather stop than hurt you" kung itatagalog mo ito, "mas gugustuhin ko pang tumahimik nalang kaysa saktan ka.." Tila napakalawak nito kung tutuusin. Tatahimik ka para hindi na masaktan ang kung sino man special na tao, o 'di kaya mahal mo sa buhay. Tatahimik ka at hindi nalang magsasalita pa upang hindi na masaktan pa muli. Ngunit sa labas ng kagandahan nito ay mayroon rin naman itong kapangitan. Isipin natin na kung tatahimik nalang tao sa buhay pag-ibig ay masasabi natin na isa tayong tanga na hindi ipinaglalaban ang nararamdaman. Umpisa palang pinili niyo nang magsama, lalo pa sa mga nagpakasal na ika nga nila.. "For better or for worst, for richer and for poorer, 'til death do us part" isang mensaheng simple ngunit nangangahulugan ng isang napakagandang mensahe sa atin. Kung ayaw mo siyang masaktan sa umpisa palang sana hindi mo na siya minahal sapagkat sa pag-ibig walang salitang masakit, sa pag-ibig lahat napapagusapan, lahat masakit ngunit kung tunay yang nararamdaman mo kahit gaanong sakit iyan patuloy kang magmamahal...

Thursday, November 19, 2009

kwentuhan

I went to school this morning to fix my graduation requirements expecting that I'll be graduating this February. Yay~ that would be a thing that will make my parents be proud of, and still I am expecting that I will graduate with medal. Yes, a medal. I'm speaking of best thesis here. I know we can, and I know its possible. I got in school 8am and one funny thing about is that my records-in-charge will swipe at 10 so I have to wait for her to be on her desk to validate my records in school. Crap right?! I wasn't expecting a regular employee running 10-5 pm work, pretty not a stressful task for her. Anyhow, inshort I got my form re-signed and have asked those people incharge to sign it.

I am bit pissed when I got to let my coordinator sign my clearance. First things first, an employee should know the details of her/his boss' schedule, how come this attendant doesn't know her boss' whereabouts. Anyhow, I successfully completed the clearance. Well, yes LMO is still processing my papers and another is my completion of our thesis. I am actually excited about it, looking forward that I would be able to kick ass on the defense. I won't be pessimist jerk this time as I learned my lesson.

Anyhow, why is it that when I am infront of an interviewer my mind doesn't work. where is my creative juices? Whaaat! What I told Ms. Yoto I can't communicate well and she agreed. Haayy., poor boy. I'm actually working it on. That's one commentary that I am looking forward of changing and that's what I call positive critisism. I had a great time with Ms. Yoto, we talked about different issues related to my well-being, tackled issues on Father son relationship, priestly vocation, and psychology as second course. Now I enjoyed their service.

that would be all I can say about. What transpired this morning.

Wednesday, November 18, 2009

Team Grigio


Mga kaibigan, Iniimbitahan ko kayo na suportahan ang Team Grigio na lalahok sa 2010 SHELL ECO-MARATHON COMPETITION sa Kuala Lumpur Malaysia.

Eco Marathon:

The Shell Eco-marathon is an educational project that challenges competing student teams to design,build and drive the most energy-efficient vehicle. The winning vehicle is the one that travels the farthest using the least amount of fuel.




Hindi man nila ako kakilala, hindi ko man sila kaschool mate mismo pero ako parin ay nakikiisa sa kanilang layunin na ibandera ang bandila ng Pilipinas at lalo na bandera ng pagiging isang Bosconian. Ang sarap maging isang bosconian. Sila ang iilan sa magpapatunay na bosconian kaya ang lahat ng bagay.

Humayo kayo Team Grigio, asa likod niyo ang bawat bosconian tungo sa tagumpay.

St. John Bosco
pray for us
St. Dominic Savio
pray for us..

Kwentong walang kwenta

Magandang Umaga! oo tama ka, magandang umaga nga. Ngayon kasi ay umaga na, hindi pa ako natutulog at sadyang kailangan tumapos ng kanyang proyekto.

Ako ngayo'y mag-isa [lagi naman eh] gumagawa ng isang website ng isang organisasyon. Hindi ko alam kung maaari ko bang sabihin kung anong organisasyon ito at kung sino sino ang nasa loob nito. Noong panahon na humihingi kasi ako sa kanila ng ilang litrato ay agad sa aking sinabi na iyon na lamang munang nauna ang gamitin ko. Mayroon sana akong nais gawin na effect sa kanilang website. Gusto ko sanang maglagay ng isang slideshow na kung saan makikita ang mukha ng kung sino sinong taong miyembro nito. Anyway, wala akong magawa [nako, ang labo ko]. Hindi ko malaman kung sakit ito o ano man pero kanina inaya ako ng tatay kong maglinis ng bintana. Noong malapit ko na matapos yung mga bintana ng bahay bigla kong nasabi, "hayy katamad.." ngunit sa loob loob ko, sinasabi ng aking isip na.. "mas masarap magcomputer, maginternet, gumawa ng software kaysa gawin itong trabahong ito". Hindi ko lubos maisip, ano ba Joseph? loko loko ka na ba? puro ka nalang computer. Anyhow, yun lang. Tamad akong tao. sobra.

Kwento: ito ako ngayon, nagbblog [malamang] habang nakikipagchat kay Nikki, habang nanonood ng Up, habang nagiisip ng company name, habang gumagawa ng website. Oha? san ka pa?

Alam niyo, ang tamad tamad ko pero pag nasa tapat ako ng computer sadyang napakadami kong ginagawa at napaka busy ko. anyhow, ayun lang. Ano kayang magandang company name? Balak ko kasing magtayo ng webdesign firm dito, kasama ko yung iba kong mga kaibigan sa UST. Actually bagong friends ko sila turned out friends. Sana maging close pa nga kami eh. Nakilala ko lang sila nung Saturday dahil may event akong ginawa, kasama kasi ako sa Philippine Web Designers Organization, part ng membership nila eh yung pagorganize ng mini conference kaya ayun. Nakasama ko yung mga bata sa UST. :)

Ayun lang muna, wala na ako ma say e. nawala yung momentum