Sunday, August 22, 2010

Kahapon, Nakaraan

Rizal, PH - Kahapon, ako'y lumisan ng bahay upang pumunta ng Trinoma. Habang ako'y naglalakad palabas ng aming subdivision nakita ko ang isang batang lalaki edad 13-16 lulan ng kanyang bisekleta. Agad sumagi sa aking isip ang panahong ako yung nagbibisikleta inaabot ang sulok ng subdibisyon. Mga panahong hindi inaalintana ang init o ulan na papatak, magkanda gasgasgasgas ang mga tuhod at katawan makapagbisikleta lang. Naalala ko rin ang mga panahon na malaya kami ng aking kababatang umikot sa paligid. Namimiss ko ang mga panahong iyon. Namimiss ko ang mga araw na ako ay isang bata, walang malay. Sana pwede bumalik ang nakaraan. Sana pwedeng maging bata muli.. Sana.. sana..