Tuesday, October 6, 2009

Iisa iglap, iisang reaksyon

Hindi ko parin lubos maisip ang trahedyang sumalanta sa ating bayan. Marami akong naranasan at natutunan sa insidenteng iyon. Marahil hindi lahat ng bagay ay maisusulat ko ngayon ngunit nais ko rin mailathala ang bawat ito.

Iniisip ko noong mga panahong lubog kami sa baha na marahil ito na ang aming huling mga oras sa lupa. Hindi natin masabi, wala tayong pinanghahawakan, tanging Siya lamang ang kayang makapagsabi at magtakda kung hanggang kailan at hanggang saan tayo tatagal sa lupa. Naalala ko nga noon nangtumataas ang lebel ng tubig sa loob na kung ito'y patuloy na rumagasa sa amin ay marahil matatagpuan kaming lumulutang, wala ng malay. Buti nalang kamo't hindi gaanong tumaas pa ang tubig at agad kaming nakaisip na umakyat na sa aming bubungan. Buti rin at andito ang aking Tatay na nagpamalas ng kanya kaalaman sa survival. Isang bayani kung turingin ko ang aking ama, kung wala siya ay hindi rin naman namin maiisipan ang ganong ideya na kanyang ginawa upang kami makapanik sa bubong ng aming bahay. Kung ako nga iyong pagiisipin kung anong survival technique na aking gagawin ay isasama ko ang aking aso't ina sa itaas ng kisame. Ngunit isang problemang kakaharapin namin dun ay kung tuluyang tumaas ulit ang tubig sa bahay, alam na natin ang magiging epekto.

Iisang buhay lang meron ang tao, iisang pagkakamali mo lamang ay baka tuluyan gumuho ang pangarap mo. Isa rin ito sa aking nabuong realisasyon sa insidenteng ito. May makakapagsabi ba kung sino ang may problema? May makakapagsabi ba kung sino ang dapat sisihin sa trahedyang nangyari? Pilit nating ibinabalik siguro sa Diyos at inang kalikasan ang sisi kung bakit tayo nalagasan ng mahal sa buhay o 'di kaya'y ari-arian. Pero may nakapagisip ba sa atin na maaaring ang pagkakamaling pangtao ang nagsimula ng isang matinding disaster na ito? Oo, kung hindi rin siguro tayo swapang [paumanhin niyo] eh hindi rin naman siguro tayo magkakaroon ng ganitong trahedya. Kung hindi natin sinakop pati ang mga creek sa likod bahay natin, kung siguro hindi natin ipinagdamot kakaunting espasyong ito na ngayo'y pinagtayuan niyo ng magagarang bahay at mansion, kung hindi siguro tayo nagtapon at nagbara ng mga basura natin sa daluyan ay hindi natin makakamit ang ganitong delubyo. Sana'y maging isang warning na ito para sa atin. Ang kalikasan ay isalba natin. Baka minsan isang araw ay hindi tayo over populated sa lupa, kundi sa paraiso o hindi kaya sa impyerno.

Habang pinapanood kong bumaba ang baha, pinagmamasdan ko ang mga nasirang kagamitan sa loob ng bahay. Biglang sumagi sa aking isipan na, ganon pala ang buhay, sa iisang kurap lang ng ating mga mata ay maaari ng maubos ang mga pinaghirapan mo. Sa iisang sandali pwedeng magunaw ang mundo, sa iisang kurap mo wasak na kabuhayan mo. Ganoon pala, kahit anong pagsisikap mo, kahit anong estado mo sa buhay, kahit anong tiyaga/plaque/tropeyo/medalya at kung ano pang paranggal na nauuuwi mo sa bahay mo eh sa iisang iglap lang kaya mawala nito. Ang sakit habang nakikita ko ang pinaghirapan ng aking mga magulang na inaanod nalang ng baha, ang sakit sa aking kalooban na makita ko ang mga alaala ko noong gradeschool/highschool, mga medalya, mga sertipikong basa at mistulang pambalot nalang ng tinapa. Magkahalong tuwa at lungkot ang aking nararamdaman habang inaayos ko ang mga kagamitan na nabasa ng baha. Nakita ko ang mga gawa ko noon, nakita ko ang mga resulta ng eksaminasyon, nakita ko ang mga alaalang hanggang sa alaaala nalang mababalikan na ngayo'y ayun nakatambak na at kailangan ng ibasura. Masakit, masakit na masakit ngunit wala kang magagawa. Ika nga, kalamidad iyan, gawa ng Diyos. Hindi ko parin iniaalis ang pagpasok ng pananampalataya ko, na sa bawat nangyayari sa atin ay may kaukulang ginahawa o hindi kaya'y purpose kung bakit iyon nangyari. Hindi para sa amin ang mga kagamitang iyon, may maganda pang plano ang Diyos para sa amin.

Iilan ito sa realisasyon na aking natamo sa experiensyang iyon. Sana'y may natutunan kayo sa aking simpleng handog. Salamat kaibigan.

Sunday, October 4, 2009

Isang Ondoy ka lang


Love one another as I have loved you, ito ang tema ng selebrasyon kanina sa simbahan. Sabi nga ito raw ang pang labing isang commandment na iniatas ng Diyos sa atin. Sa ebanghelyo

nga kanina binasa ang istorya ng mabuting Samaritano na nagalay ng kanya mabuting loob sa kapwa, tamang tama sa sitwasyon na mayroon ang bayan natin ngayon. Sadyang itinakda ang

bawat araw na nangyayari.

Masasabi natin na isa na sa kinatatakutan nating mga Pilipino ay ang mga paparating na bagyo. Kahaling ng ating takot ang mga trahedyang minsan nang sumakop sa atin. Noong una,

napapanood ko lang sa TV ang mga taong nasalanta ng bagyo umaakyat sa bubong at naninirahan dun ng ilang oras o araw. Hindi ko lubos maisip na minsan sa aking buhay ako rin ay

magiging biktima nang ganong insidente.

Sabado ng umaga, una akong kinatok ng aking tatay para magtaas ng gamit. Naririnig galing sa aming bubong ang lakas ng patak ng ulan ngunit wala sa aking isip na ito’y magdadala ng

isang matinding baha sa aming lugar. Sanay na kami na kahit gaano na katindi ang ulan hangga’t hindi nagpapalabas ng tubig ang dam malapit sa amin ay hindi kami babahain. Hindi na namin

alam sino ang sisisihin marahil talagang ang insidenteng ito ay likha ng tao na. Nakapag-agahan pa kami nung araw na iyon habang umuulan sa labas. Kampante kami na hindi kami babahain

at tila nanonood pa ng TV ang aking mga magulang habang pinagmamasdan ang kalye. Bandang alas-siete ng umaga ng kami nagulat at ng may nakausap ang aking tatay na mataas na ang

tubig sa tabi naming subdibisyon. Agad kaming nagtaas ng gamit at madali namin itong iniakyat sa kanya kanya nilang lugar. Alam na naming hanggang saan ang magiging baha sa amin pero

nagulantang kami ng hindi lang dun sa minarkahan namin. Ang dating namin pinaglalagyan ng gamit ay tila nabago. Una nalang namin sinalba ang mga gamit na tila importante at kailangan

namin. Mayroon nga kaming nakalimutan na at nasalanta nalang. Una kong sinalba ang aking buhay, ang aking laptop. Bandang 11:30 nang wala na kaming magagawa kundi isalba nalang

ang aming sarili, mataas na rin ang baha sa aming baha na tila hindi tumitigil sa pag agos. Buti nalang at andun ang aking tatay na ginamit ang kanya pagka seaman at nagtali ngayon sa

dalawang poste ng aming bahay para kami ay makapunta sa bubong. Habang pinapanood ko ang agos ng tubig, labas pasok sa aming bakuran hindi ko lubos maisip na minsan nanonood lang

ako ng TV at nakikita ko mga taong asa bubong na ngayon isa narin ako sa biktima ng isang trahedya. Halo-halo ang aking nararamdaman noon, halong lamig, poot, takot, at kung ano pa

man. Blangko ang aking utak hindi lubos mawari kung anong klaseng pagsubok ang pumasok sa amin. Buti nga kamo naaalala ko pa ang bawat minutong nangyari sa amin. Alas siete na ng

gabi nung inisip kong bumaba na sa aming bubong. Ako'y lamig na lamig na noon na ang tanging balubal ko lang ay ang aking basang damit, isang payong at shower curtain. Sabi ko pa nga

sa sarili ko, hala! hindi ba't ala una palang bakit biglang dumilim? Pero sa pagakyat ko sa aming kisame at pagkatingin ko ng oras ay alas siete na. Mataas parin ang baha sa aming bahay

kaya't ang ginawa ko ay dun ako nagpalipas ng gabi sa aming kisame. Kasama ko ang aming laptop, cellphone, gitara at iba pang gamit pang construction. Bilib nga sa akin ang aking Tatay

dahil hindi raw ako natakot sa taas sapagkat madilim at hindi mo masabing may tutuklaw sa iyong kung ano. Matagal kumati ang baha, inabot ito ng 6pm ng Linggo nung totally bumaba

yung baha. Unang inisip namin paano kami kakain, kaya nung tanghali lumabas kami nung Tatay ko at naghanap kami ng mabibilhan buti nalang meron nagtinda sa labasan at buti kamo sa

main road ng subdivision namin. Laking pasalamat ko sa Diyos hindi kami pinabayaan sa bawat minutong dumating noong mga oras na kami lubog. Grabe.. kaya nung oras na kumati na yung

baha agad ko nilabas yung mobile ko at nagtext ako. Dami ng mga nagtext sa amin at nagtanong anong balita sa amin. Walang minuto nung paglabas ko tumawag agad si Tita Perl at

kinumusta kami, binalita na nga niya mga damdamin nila nung wala silang communication towards us. Pati nga kamo si Joe Taruc ng DZRH pinapage kami. Hindi niyo natatanong malayong

kamaganak namin si Joe taruc kaya ganon nalang rin pag-page niya sa amin. May nagsabi nga sa akin na pinaparescue na daw kami sa rescue teams kaso iba ata narescue, yung

kapitbahay namin. nayahah!

Noong nabuksan na ang mga daanan papunta sa amin agad dumating ang mga rescue namin, Unang dumating mga tita ko sa Makati tapos tito ko. Tapos ayun na yung mga tao galing sa

Gapan. Umaapaw yung tulong na natatanggap namin. Hindi ako makaiyak noong nababasa ko mga texts nila, noong naririnig ko mga kwento nila, noong naririnig ko mga boses nila habang

binabanggit nila ang bawat salitang iyon. Meron pa ngang hinihingi yung account number namin para magdeposito ng kaunting tulong daw nila. Grabe, ngayon habang ginagawa ko itong blog

na ito nababasa ko yung efforts ng mga kaibgan ko noong Highschool. Hindi lang sila natuloy sa bahay gawa ng bumagyo pero kung tutuusin nakakasa na yung mga yun sa amin.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakabanggon sa banungot na dinala ng bagyong Ondoy sa amin. Nagsisilbi paring multo sa aming paningin ang hapdi ng paghagupit nito sa aming

buhay at ari-arian. Unti unti akong naghahanap ng paraan upang makaalis sa delubyong hindi lang pang pisikal kundi ang emotional. dapat nga ay bibisitahin ko ang kaibigan kong pari

ngayon sa Don Bosco upang sumangguni ngunit hindi ata umaayon ang panahon at kailangan ko ulit bumalik sa aming bahay sa Cainta. Marahil kami pa ay maswerte dahil marami parin sa

aming kagamitan ang nasalba tila puro papel at kung ano ano lang plastic ang nakita kong naitapon namin. Pero ang trahedya parin ito ay nakakabit na sa aming alaala na kung hindi namin

lilisanin ang pook na iyon ay patuloy itong magmumulto sa amin.


Hindi na isang pasalamat ang ginawa ko, hindi na isang iyak ang iniluha ko sa pagpapasalamat at kung paano nila pinalambot ang puso ko. Sa bakas ng trahedyang ito ay ang isang mistulang

isang lupon ng kaibigan at pamilyang nakaalalay sa iyo habang ikaw ay bumabangon. Minsan ko narin nasabi, makikita mo ang tunay mong kaibigan kung kailan kailangan mo ng kanilang

kamay upang umalalay pabalik at makatayo ulit. Dito ko ngayon nasubukan ang katatagan ng kaibigan, dito ko ngayon nakita ang mga handang magalay ng buhay, dito mo ngayon makikita na sa bawat putik na iyong kinadapaan mayroon at mayroong kaibigan/kapamilya/kabarkadang andyan aalalay sa iyo. Marahil ito narin ay isang pagkatok sa atin, asaan ka noong kailangan kita? Asaan ka noong naghahanap ako ng kalinga? Nagsilbing Samaritano ka ba? O hindi kaya'y Levitano na dumaan nalang basta sa tabi ng nangangailangan.

Sa panahong ito, may iisang pinapahiwatig ang Diyos sa atin, mga Kristyano tayo, Pilipino magtulungan tayo. Ano man ang lahi natin, ano mang kulay ng balat natin, ano mang nation nabibilang may iisa naman tayong Diyos at ang Diyos natin nagsasabing mahalin mo kapwa mo. Sa panahon ngayon, marami parin Samaritano sa bayan, Samaritanong handang magbuwis ng buhay para sa kanya kapwa, hindi naghahanap ng ano mang kapalit.. ganon ka ba? tingin mo?

-Joseph Buluran