Sunday, October 4, 2009
Isang Ondoy ka lang
Love one another as I have loved you, ito ang tema ng selebrasyon kanina sa simbahan. Sabi nga ito raw ang pang labing isang commandment na iniatas ng Diyos sa atin. Sa ebanghelyo
nga kanina binasa ang istorya ng mabuting Samaritano na nagalay ng kanya mabuting loob sa kapwa, tamang tama sa sitwasyon na mayroon ang bayan natin ngayon. Sadyang itinakda ang
bawat araw na nangyayari.
Masasabi natin na isa na sa kinatatakutan nating mga Pilipino ay ang mga paparating na bagyo. Kahaling ng ating takot ang mga trahedyang minsan nang sumakop sa atin. Noong una,
napapanood ko lang sa TV ang mga taong nasalanta ng bagyo umaakyat sa bubong at naninirahan dun ng ilang oras o araw. Hindi ko lubos maisip na minsan sa aking buhay ako rin ay
magiging biktima nang ganong insidente.
Sabado ng umaga, una akong kinatok ng aking tatay para magtaas ng gamit. Naririnig galing sa aming bubong ang lakas ng patak ng ulan ngunit wala sa aking isip na ito’y magdadala ng
isang matinding baha sa aming lugar. Sanay na kami na kahit gaano na katindi ang ulan hangga’t hindi nagpapalabas ng tubig ang dam malapit sa amin ay hindi kami babahain. Hindi na namin
alam sino ang sisisihin marahil talagang ang insidenteng ito ay likha ng tao na. Nakapag-agahan pa kami nung araw na iyon habang umuulan sa labas. Kampante kami na hindi kami babahain
at tila nanonood pa ng TV ang aking mga magulang habang pinagmamasdan ang kalye. Bandang alas-siete ng umaga ng kami nagulat at ng may nakausap ang aking tatay na mataas na ang
tubig sa tabi naming subdibisyon. Agad kaming nagtaas ng gamit at madali namin itong iniakyat sa kanya kanya nilang lugar. Alam na naming hanggang saan ang magiging baha sa amin pero
nagulantang kami ng hindi lang dun sa minarkahan namin. Ang dating namin pinaglalagyan ng gamit ay tila nabago. Una nalang namin sinalba ang mga gamit na tila importante at kailangan
namin. Mayroon nga kaming nakalimutan na at nasalanta nalang. Una kong sinalba ang aking buhay, ang aking laptop. Bandang 11:30 nang wala na kaming magagawa kundi isalba nalang
ang aming sarili, mataas na rin ang baha sa aming baha na tila hindi tumitigil sa pag agos. Buti nalang at andun ang aking tatay na ginamit ang kanya pagka seaman at nagtali ngayon sa
dalawang poste ng aming bahay para kami ay makapunta sa bubong. Habang pinapanood ko ang agos ng tubig, labas pasok sa aming bakuran hindi ko lubos maisip na minsan nanonood lang
ako ng TV at nakikita ko mga taong asa bubong na ngayon isa narin ako sa biktima ng isang trahedya. Halo-halo ang aking nararamdaman noon, halong lamig, poot, takot, at kung ano pa
man. Blangko ang aking utak hindi lubos mawari kung anong klaseng pagsubok ang pumasok sa amin. Buti nga kamo naaalala ko pa ang bawat minutong nangyari sa amin. Alas siete na ng
gabi nung inisip kong bumaba na sa aming bubong. Ako'y lamig na lamig na noon na ang tanging balubal ko lang ay ang aking basang damit, isang payong at shower curtain. Sabi ko pa nga
sa sarili ko, hala! hindi ba't ala una palang bakit biglang dumilim? Pero sa pagakyat ko sa aming kisame at pagkatingin ko ng oras ay alas siete na. Mataas parin ang baha sa aming bahay
kaya't ang ginawa ko ay dun ako nagpalipas ng gabi sa aming kisame. Kasama ko ang aming laptop, cellphone, gitara at iba pang gamit pang construction. Bilib nga sa akin ang aking Tatay
dahil hindi raw ako natakot sa taas sapagkat madilim at hindi mo masabing may tutuklaw sa iyong kung ano. Matagal kumati ang baha, inabot ito ng 6pm ng Linggo nung totally bumaba
yung baha. Unang inisip namin paano kami kakain, kaya nung tanghali lumabas kami nung Tatay ko at naghanap kami ng mabibilhan buti nalang meron nagtinda sa labasan at buti kamo sa
main road ng subdivision namin. Laking pasalamat ko sa Diyos hindi kami pinabayaan sa bawat minutong dumating noong mga oras na kami lubog. Grabe.. kaya nung oras na kumati na yung
baha agad ko nilabas yung mobile ko at nagtext ako. Dami ng mga nagtext sa amin at nagtanong anong balita sa amin. Walang minuto nung paglabas ko tumawag agad si Tita Perl at
kinumusta kami, binalita na nga niya mga damdamin nila nung wala silang communication towards us. Pati nga kamo si Joe Taruc ng DZRH pinapage kami. Hindi niyo natatanong malayong
kamaganak namin si Joe taruc kaya ganon nalang rin pag-page niya sa amin. May nagsabi nga sa akin na pinaparescue na daw kami sa rescue teams kaso iba ata narescue, yung
kapitbahay namin. nayahah!
Noong nabuksan na ang mga daanan papunta sa amin agad dumating ang mga rescue namin, Unang dumating mga tita ko sa Makati tapos tito ko. Tapos ayun na yung mga tao galing sa
Gapan. Umaapaw yung tulong na natatanggap namin. Hindi ako makaiyak noong nababasa ko mga texts nila, noong naririnig ko mga kwento nila, noong naririnig ko mga boses nila habang
binabanggit nila ang bawat salitang iyon. Meron pa ngang hinihingi yung account number namin para magdeposito ng kaunting tulong daw nila. Grabe, ngayon habang ginagawa ko itong blog
na ito nababasa ko yung efforts ng mga kaibgan ko noong Highschool. Hindi lang sila natuloy sa bahay gawa ng bumagyo pero kung tutuusin nakakasa na yung mga yun sa amin.
Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakabanggon sa banungot na dinala ng bagyong Ondoy sa amin. Nagsisilbi paring multo sa aming paningin ang hapdi ng paghagupit nito sa aming
buhay at ari-arian. Unti unti akong naghahanap ng paraan upang makaalis sa delubyong hindi lang pang pisikal kundi ang emotional. dapat nga ay bibisitahin ko ang kaibigan kong pari
ngayon sa Don Bosco upang sumangguni ngunit hindi ata umaayon ang panahon at kailangan ko ulit bumalik sa aming bahay sa Cainta. Marahil kami pa ay maswerte dahil marami parin sa
aming kagamitan ang nasalba tila puro papel at kung ano ano lang plastic ang nakita kong naitapon namin. Pero ang trahedya parin ito ay nakakabit na sa aming alaala na kung hindi namin
lilisanin ang pook na iyon ay patuloy itong magmumulto sa amin.
Hindi na isang pasalamat ang ginawa ko, hindi na isang iyak ang iniluha ko sa pagpapasalamat at kung paano nila pinalambot ang puso ko. Sa bakas ng trahedyang ito ay ang isang mistulang
isang lupon ng kaibigan at pamilyang nakaalalay sa iyo habang ikaw ay bumabangon. Minsan ko narin nasabi, makikita mo ang tunay mong kaibigan kung kailan kailangan mo ng kanilang
kamay upang umalalay pabalik at makatayo ulit. Dito ko ngayon nasubukan ang katatagan ng kaibigan, dito ko ngayon nakita ang mga handang magalay ng buhay, dito mo ngayon makikita na sa bawat putik na iyong kinadapaan mayroon at mayroong kaibigan/kapamilya/kabarkadang andyan aalalay sa iyo. Marahil ito narin ay isang pagkatok sa atin, asaan ka noong kailangan kita? Asaan ka noong naghahanap ako ng kalinga? Nagsilbing Samaritano ka ba? O hindi kaya'y Levitano na dumaan nalang basta sa tabi ng nangangailangan.
Sa panahong ito, may iisang pinapahiwatig ang Diyos sa atin, mga Kristyano tayo, Pilipino magtulungan tayo. Ano man ang lahi natin, ano mang kulay ng balat natin, ano mang nation nabibilang may iisa naman tayong Diyos at ang Diyos natin nagsasabing mahalin mo kapwa mo. Sa panahon ngayon, marami parin Samaritano sa bayan, Samaritanong handang magbuwis ng buhay para sa kanya kapwa, hindi naghahanap ng ano mang kapalit.. ganon ka ba? tingin mo?
-Joseph Buluran
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment